Friday, May 30, 2014

AutoPinoy.com Para sa Auto ng Pinoy



Isang araw may isang taong nagmamaneho at kinailangang magpalinis ng kanyang sasakyan at kanyang napuna na ang dalawang malapit na Car Wash ay parehas puno hindi niya ginustong mag ikot pa sa kung saan pa ang pwedeng paghanapan dahil ito ay kukunsumo ng gas at lalo't higit ay ng oras at noon na rin nagsimula ang isang konsepto na kailangan may mas madaling solusyon sa ganitong mga problema na nararanasan ng mga may sasakyan na kagaya niya dahil sa panahon ngayon ay pataas na ng pataas ang presyo ng gasolina kung malaking bagay na magkaroon ng katipiran.

Matapos ng isang buwan ay sinilang ang www.AutoPinoy.com na kung saan ay hindi lang matutulungang maghanap ng mga pinakamalapit na Car Wash ang mga gumagamit nito kundi pati ibang mga bagay na rin na may kinalaman sa sasakyan.


Ano nga ba itong website na to? Madali lang ang sagot, ang website na ito ay sumasagot sa tanong na: "Anong Kailangan ng Auto mo? At ang maganda pa nito ay hindi manggagaling ang mga rekomendasyon na galing sa mga gumawa bagkus ay manggagaling sa mga miyembro nito na may magandang handog para sa bawat miyembro dahil ang mga lalabas sa resulta ay 'Review's' ng kapwa miyembro at lalabas dito ang mga hindi makita ng 'googlemap' na maaaring mairekomenda ng bawat miyembro. Ito ay walang bayad kung kaya't wala kang dapat alalahanin.

Ian Atienza - Chief Digital Officer, Optima Digital Inc. na utak ng www.Autopinoy.com
Isang kuwento na narinig ko mula sa kanila na nagkaron minsan ng sira ang Aircon ng kanilang sasakyan at natural na una nilang ginawa ay pumunta sila sa 'Service Center' ng kanilang sasakyan at duon ay nabigyan sila ng estimate na lagpas P20,000 para sa maayos, at dahil duon ay naghanap sila ng pwedeng alternatibo at sa kakahanap nila sa internet ay nakapagbasa sila ng maraming rekomendasyon mula sa isang mekaniko sa Quezon City na kung saan ay nakapagtanong sila at natuklasan na kaya niya itong gawin ng mga P9,000 lang.

Nagustuhan ko ang website na ito dahil ito ay nagbibigay ng pagtutulungan sa komunidad na ang unang dahilan kung bakit ito nalikha, na maaaring may mga nalalaman tayong talyer/ mekaniko, gasulinahan, car wash, pagawaan ng aircon at kung ano-ano pang pwedeng makatulong at kayang sumagot ng "Anong Kailangan ng Auto mo?" Sa ganitong paraan ay hindi ka lang nakatipid, nakahanap ka pa ng pinakamagaling/at pinakamagandang serbisyo base sa mga nairekomenda ng mga komunidad.


About the Developer:
Optima Digital Inc. is a full service digital provider specializing in TVC, Films,Content, Web, Mobile and Social. It has been an industry leader for the past 2 decades and has serviced top brands through agency partners and direct clients.

Other Apps by Optima Digital:

https://play.google.com/store/apps/developer?id=Optima+Digital+Inc.
DuoFeed Android App and Adobo Magazine Android App

No comments:

Post a Comment