Sunday, May 11, 2014

Mga Poser - By Stanley Chi


At dahil Bithday ng isa sa aking hinahangaang manunulat. Eto na and Copy+Paste mula sa isa sa kanyang mga articles. 

Copy+Paste
According to urbandictionary.com posers are one who pretends to be someone whose not.  In reality posers are a dime a dozen, and here are some of the characteristics of a Pinoy poser:
1. Pa-English English kahit peke ang accent.
2. Branded ang lahat ng mga damit dahil mas maganda raw ang quality at designs.
3. Konti lang ang kinakain kapag may handaan, pero patay gutom kung kumain kapag mag-isa lang.
4. Puro conyo ang mga ka-barkada niya.
5. Hindi raw nanonood ng mga local TV programs, pero maraming alam sa local showbiz dahil chismoso siya sa totoong buhay.
6. Hindi kaagad nagrereply sa texts or sinasagot ang mga tawag ng mga kakilala niyang hindi sosyal, pero kung sosyal ang ng text or tumawag sinasagot niya kaagad.
7. Kunwari maraming alam sa pinag-uusapan niyong topic, para hindi siya magmumukhang tanga.  Know it all kumbaga.
8. Walang alam sa mga nangyayari sa paligid niya, pero sa totoo lang very aware siya.  Kungwari lang yung wala siyang paki-alam.
9. Pa-cool effect masyado, feeling pogi or feeling maganda pero sa totoo lang masyadong insecure.
10. Hindi raw marunong mag-commute, pero sa totoo lang sanay namang mag-jeep, lrt, mrt, bus, at taxi.

Marami pang characteristics of a poser, comment on this blog post so I can add it to the list.

Pa-English English ka pa, sipain kita diyan eh!


You can also check Stanley Chi in Facebook and his website http://www.stanleychi.net/
Aside from seeing his works in FHM Philippines, Manila Bulletin, PSICOM Publishing Inc.

No comments:

Post a Comment